^

Probinsiya

Bunso minartilyo sa ulo, kritikal

WHAT MATTERS MOST - Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Nakikipaglaban kay kamatayan ang 50-anyos na lalaki matapos itong martilyuhin sa ulo ng sariling kapatid na lalaki sa Barangay Cambaog, bayan ng Bustos, Bulacan kahapon ng umaga. Kasalukuyang ginagamot sa Bulacan Medical Center ang biktimang si Jesus Ronquillo ng Purok 7 habang nakadetine sa detention cell at pinag-aaralan kung itutuloy pa ang pagsasampa ng kaso laban sa suspek na si Jaime Ronquillo, 53, residente rin sa nasabing lugar. Base sa imbestigasyon ni SPO2 Eduardo Solian Jr., naghahamon ng away ang suspek na lango sa alak sa kanilang kapitbahay kung saan namagitan naman ang biktima dahil sa kahihiyan sa kanilang pamilya. Sa halip na magpaawat ang suspek ay kaagad na kumuha ito ng martilyo saka hinataw ang kapatid sa ulo kung saan duguang bumagsak.

 

vuukle comment

KRITIKAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with