Drug peddler tiklo sa P4-M shabu
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2016 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 31-anyos na sinasabing big-time drug peddler matapos itong masakote ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa inilatag na buy-bust operation sa pamosong mall sa Cebu City, Cebu, ayon sa ulat kahapon. Pormal na kakasuhan ang suspek na si Jerome Sosmeña ng Barangay Luz sa Cebu City. Ayon sa ulat, si  Jerome na nakumpiskahan ng P4 milyong halaga shabu ay sinasabing supplier ng droga sa mga tauhan ni Jeffrey “Jaguar” Diaz na napatay naman sa drug bust operation sa Las Piñas City. Nasamsam sa suspek ang isang kilo ng shabu, timbangan, cellphone, motorsiklo at ilang resibo ng money transfer.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with