_ngayon
^

Probinsiya

Shootout: 6 drug pushers bulagta

Jonie Capalaran at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

BATAAN, Philippines – Anim pang pusakal na drug pushers ang napatay habang 79 naman ang naarestong durugista at pushers sa magkahiwalay na serye ng drug operations ng mga operatiba ng pulis­ya sa lalawigan ng Bataan kahapon ng madaling araw.

Base sa ulat na nakara­ting kay Bataan Provincial Police Office Director P/Senior Supt. Benjamin Silo,  kinilala ang mga napatay na sina Erwin “Mat” Tallada ng Barangay Pantalan Bago, Orani, Bataan; Pablo Mejia, 37; Kevin “Buking” Herrera ng Barangay Balsik; at Miguel Pulo Jr., 32,ng Barangay Malempuec, Lingayen Pangasinan habang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawa na napatay sa mga bayan ng Abucay at Mariveles.

Arestado naman ang ka-live-in ni Tallada na si Maria Raynoso Dela Cruz habang narekober ang cal. 38 revolver, .357 magnum Smith & Wesson, mga bala ng baril at 12 plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Samantala, si Meji ay nakipagbarilan naman sa pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Brgy. Mt. View sa bayan ng Mariveles.

Napatay din ang dalawang hindi kilalang lalaki sa loob ng Mitsubishi mini-tan­ker (TLJ826) sa kahabaan ng Roman Highway sa ba­yan ng Abucay, Bataan

Nasamsam naman sa mga suspect ng mga otoridad ang 1 small pc. transparent plastic sachet; cal. 38 revolver, magnum 357, mga bala at ilang plastic sachet ng shabu at P500 mark money.

Maging si Herrera ay nakipagbarilan at napatay sa inilatag na buy-bust operation ng pulisya sa Lerasco Hotel sa Barangay Culis sa bayan ng Hermosa.

Nakumpiska ng mga pulisya ang dalawang cal .45 pistol, 4 plastic sachet ng shabu, P4,000 cash at kotseng ginamit drug trade.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with