2 sundalo utas sa ambush

MANILA, Philippines – Dalawang sundalo ang napatay makaraang tamba­ngan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa liblib na bahagi sa bayan ng Lupon, Davao Oriental noong Biyernes. Ayon kay Army’s 28th Infantry Battalion  commanding officer Lt. Col. Ramon Zagala, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa patungong Barangay Calapagan nang tambangan ng mga rebelde bandang alas-6:45 ng umaga. Pansamantalang hindi tinukoy ang mga pangalan ng dalawang sundalo  na may mga ranggong corporal at private first class dahil kailangan pang impormahan ang pamilya ng mga ito. Wala sa combat mission ang dalawang sundalo na miyembro ng Peace and Development Outreach Program Teams ng Phi. Army.

 

Show comments