Negosyante itinumba
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 4, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Napatay ang 33-anyos na negosyante matapos itong ratratin ng dalawang hindi kilalang lalaki sa terminal ng bus sa Barangay Poblacion, bayan ng Rosario, Agusan del Sur kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Alvin Macabidar, tubong Lanao del Norte at may negosyo sa palengke sa nasabing bayan. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, nakatayo ang biktima sa tabi ng kaniyang multicab nang lapitan at pagbabarilin ng  dalawang lalaki na naka-bonnet. Lumilitaw pa sa pagsisiyasat ng pulisya, ang biktima ay sumasalungat sa modus operandi ng mga  kapwa trader sa palengke na pinaniniwalaang isa sa sinisilip na motibo sa krimen. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 9mm pistol at cal. 45 pistol.

AGUSAN ALVIN MACABIDAR ANG BARANGAY POBLACION CAMP CRAME LANAO LUMILITAW NAPATAY NAPURUHAN NAREKOBER NORTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with