_ngayon
^

Probinsiya

Ina kinatay ng adik na anak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 46-an­yos na ina matapos itong pagsasaksakin ng sarili nitong anak na sinasabing lango sa droga sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Mabanogbog, Urdaneta City, Pangasinan noong Biyernes ng hapon. Idineklarang patay sa Divine Mercy Hospital ang biktimang si Margie Litaba habang nahaharap naman sa kasong parricide ang nasakoteng suspek na si Salvador Litaba, 25. Sa ulat ng Pangasinan PNP na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen dakong alas-2:20 ng hapon kung saan nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ina matapos na tumanggi ang biktima na bigyan ng pera ang kaniyang suwail na anak bunga ng bisyong shabu. Dito na nagalit ang suspek na kumuha ng patalim sa kusina saka pinagsasaksak ang ina. Rumesponde naman ang pulisya matapos ipaalam ng ilang kapitbahay ang naganap na krimen kaya nasakote ang suspek.

ACIRC ANG BARANGAY MABANOGBOG BIYERNES CAMP CRAME DITO DIVINE MERCY HOSPITAL MARGIE LITABA PANGASINAN SALVADOR LITABA URDANETA CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with