_ngayon
^

2 drug pusher todas sa shootout

(Pilipino Star Ngayon) - January 28, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Dalawang hinihinalang drug pusher ang napaslang matapos na umano’y kumasa sa arresting team ng pulisya sa Brgy. Sapangbato, Angeles City, Pampanga kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ni Chief Supt. Rudy Lacadin, director ng Police Regional Office (PRO) 3, ang mga napatay na sina  Louie Michael Ocampo alyas “Abuso”, 35-anyos at Allan Aguilar, 42, habang nadakip ang isa pa na si Alvin Santos, 32, pawang nakatira sa nasabing barangay.

Bandang alas-8:30 ng gabi, ayon kay Lacadin nang magtungo sa lugar ang mga elemento ng Police Station 5 sa pamumuno ni Sr. Inspecttor Ando Doroja upang isilbi ang warrant of arrest laban kay Ocampo subalit imbes na sumuko ay pinaputukan umano ang mga operatiba sanhi ng sagupaan.

Si Ocampo ay wanted sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Anti Illegal Drugs Act at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantala nitong kalayaan.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Omar Viola ng Regional Trial Court (RTC) ng Angeles City laban kay Ocampo.

 

ALLAN AGUILAR ALVIN SANTOS ANG ANGELES CITY CHIEF SUPT DRUGS ACT JUDGE OMAR VIOLA LOUIE MICHAEL OCAMPO OCAMPO POLICE REGIONAL OFFICE POLICE STATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with