3 ‘akyat-bahay’ sinalvage

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlong bangkay ng magkakaibigan na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang na­tagpuan sa magkakahiwalay na barangay sa bayan Reina Mercedes at Ilagan City, Isabela kamakalawa. ?

Kinilala ni P/Supt. Manuel Bringas, hepe ng Ilagan City PNP ang unang natagpuan sa bahagi ng Barangay Bliss Village ang biktimang si Arnold Valle, 36, trike driver at nakatira sa Barangay Guibang, bayan ng Gamu

Narekober ang katawan ni Valle ang karatulang nakasulat na “Magnanakaw Huwag Tularan” kung saan nakagapos ito na tinakpan ng packaging tape ang mukha at may tama ng bala sa ulo.

Samantala, natagpuan naman ang bangkay ng utol ni Arnold na si Jeffrey at kaibigan nitong si Clifford dela Cruz na kapwa nakagapos at may tama ng bala sa ulo.

Si Jeffrey ay natagpuan sa bisinidad ng Barangay Dangan habang si dela Cruz naman ay sa Barangay Santor sa bayan ng Reina Mercedes.

Huling namataang bahay ang tatlo na nagpaalam sa kanilang kamag-anak na may hahakuting mga gamit sa isang bahay sa hindi binanggit na lugar.

Show comments