Cavite Police vs Estupin drug gang: 1 patay!
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2016 - 9:00am

CAVITE, Philippines – Bulagta ang isang miyembro ng bigtime drug syndicate habang naaresto ang isa pa matapos makipagbarilan sa mga humahabol na operatiba ng Intelligence Section at Special Operations Group ng Bacoor City Police kamakalawa ng gabi sa lungsod.

Kinilala lamang ng pulisya ang napatay na suspek sa alias “Nonoy” habang arestado ang asawa ng kanilang lider na si Princess Pearl Estupin, 30-anyos, ng Blk 23 lot 13 Rosewood  Village, Brgy Niog 2. Bacoor.

Tinutugis pa ng pulisya ang lider ng Estupin drug syndicate na si Joveth Estupin, alias EJ, 28, ng  nasabi ring lugar. Ang mag-asawang suspek ay may mga patung- patong ng kasong paglabag sa RA 9165. Sila ay kasama sa target list ng “Oplan Lambat Sibat” ng pulisya.

Sa ulat ni PO3 Michael Legaspi,  nagsagawa ng buy bust operation ang pulisya laban kay Princess Pearl Estupin, sa ilalim ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Habang inaaresto ang mga suspek, naglabas ng maiksing baril si Noynoy at pinaputukan ang mga pulis. Nagkaroon ng gun battle hanggang sa mapuruhan sa barilan si Noynoy habang nakatakas ang nasabing lider.

ANG BACOOR CITY POLICE BRGY NIOG DRUG ENFORCEMENT AGENCY INTELLIGENCE SECTION JOVETH ESTUPIN MICHAEL LEGASPI NOYNOY OPLAN LAMBAT SIBAT PRINCESS PEARL ESTUPIN SPECIAL OPERATIONS GROUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with