Mag-ama utas sa killer kotse
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2016 - 9:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa mag-ama habang kritikal naman ang misis nito makaraang salpukin ng kotse ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Sampaloc, bayan ng Cabatuan, Isabela kamakalawa. ?

Kinilala ni P/Senior Insp. Noriel Lacangan, hepe ng PNP ang mga namatay na sina Johnny “Boy” Lamo­rena, 35; at Danica Lamo­rena, 8, habang sinugod naman sa Ester Garcia Hospital sa Cauayan City ang misis nitong si Jocelyn Lamorena na nasa bingit ng kamatayan. ?

Lumalabas sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol ang driver ng Honda Civic (TKA-760) na minamaneho ni Joseph Daga kaya nang-agaw ito ng linya sa kurbadang highway na nakasalpukan ang kasalubong na motorsiklo ng mga biktima.?

Sa lakas ng impact ay tumilapon at nagpagulung- gulong sa kalsada ang mga biktima. Agad naman nadakip ng pulisya ang driver ng kotse matapos ang sakuna.

ACIRC ANG BARANGAY SAMPALOC CAUAYAN CITY DANICA LAMO ESTER GARCIA HOSPITAL HONDA CIVIC JOCELYN LAMORENA JOSEPH DAGA NORIEL LACANGAN SENIOR INSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with