Nanalo sa sugal, dinedo

NORTH COTABATO, Philippines - Patay ang 37-anyos na babae na sinasabing nanalo sa sugal sa lamay  matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa bisinidad ng Pendatun Street, Barangay Poblacion sa Kidapawan City, North Cotabato kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/Supt. John Miredel Calinga, hepe ng Kidapawan City PNP ang biktima na si Manuela Cayetano Amador ng Quezon Boulevard sa nasabing lungsod. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang biktima mula sa lamay kung saan nanalo umano ito sa sugal. Nadatnan na lamang ng PNP ang biktimang may tama ng bala sa ulo na nakahandusay sa kanal sa harap ng bahay ng Añabeza Family. Narekober sa crime sene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang sinisilip naman ang anggulong robbery dahil nawawala ang mga gamit at malaking halaga na napanalunan sa sugal.

Show comments