2 todas sa pamamaril

MANILA, Philippines – Dalawa-katao kabilang ang isang lending collector ang napaslang matapos pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa Barangay Poblacion sa Valenrcia City, Bukidnon kamaka­lawa ng gabi.

idineklarang patay sa Lavina General Hospital sa Valencia City ang mga biktimang sina Rajan Delcampo, 27, collector ng R. Express Lending House Corporation sa Lapu-Lapu Street; at  Flordicante Eduave, 49,  magsasaka. Sa ulat ng Bukidnon PNP na isinumite sa Camp Crame, naganap ang krimen sa kahabaan ng Eduave Street sa Purok 15 dakong alas-7 ng gabi. Ayon sa imbestigasyon, hinarang ng mga hindi kilalang lalaki ang dalawang biktima saka pinagbabaril ang mga ito. Bago tuluyang tumakas ay pinaputukan muli ang dalawa upang tiyakin na hindi na mabubuhay. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments