3 holdaper arestado
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2015 - 9:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlong kalalakihan kabilang ang dalawang sekyu na miyembro ng gun-for-hire at notoryus holdaper ang nasakote ng pulisya sa Barangay Dagupan, bayan ng Allacapan, Cagayan kamakalawa. Nadakip ng mga tauhan ng Police Regional Public Safety Battalion ang mga sekyu na sina Dominador Eslabon Jr., 25, ng Aparri; Johnny Olivas, 43, ng Ballesteros, Cagayan; at si Renato Bagalayos, 48. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Ronald Tagao, ang tatlo ay nagtatago sa palayan malapit sa bodega ng bigas na kanilang sasalakayin. Nasamsam sa mga suspek ang cal. 9mm machine pistol, cal. 45 pistol, cal. 38 revolver, mga bala, posas at ang suot nilang bonet na gamit sa panloloob.?

ALLACAPAN ANG APARRI BALLESTEROS BARANGAY DAGUPAN DOMINADOR ESLABON JR. JOHNNY OLIVAS NADAKIP POLICE REGIONAL PUBLIC SAFETY BATTALION RENATO BAGALAYOS RONALD TAGAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with