Pintor kisay sa kuryente

CAVITE, Philippines – Patay ang 21-anyos na pintor matapos itong makuryente sa ginagawang terminal mall sa Barangay Bayan Luma II sa Imus City, Cavite kamakalawa. Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Leo Batuigas ng Block 3, Lot 5, Phase 9, sa Dasma 4, Golden City Subdivision sa Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite. Sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, nagkakabit ng mga kable ang biktima sa Imus Terminal Mall nang mahawakan ang talop na linya ng kuryente. Sa lakas ng boltahe ng kuryente ay tumilapon ito at bumagsak na sementadong sahig. Kaagad naman sinaklolohan ng ilang kasamahan ang biktima subalit idineklarang patay sa ospital.

 

Show comments