Istriktong manager dinedo ng guwardiya
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2015 - 9:00am

NORTH COTABATO, Philippines – Dahil sa umano’y instriktong pamamalakad, napatay ng isang security guard ang manager ng binabantayang wood furniture shop sa Brgy. Kauswagan, Cagayan de Oro City, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Luwalhati Yap, 45-anyos, single parent, tubong Cebu at naninirahan sa Dumaguete City.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Gro­ver Mar Gomez na sinasabing nakatakas na sa lungsod at nagtatago sa Misamis Occidental.

Ayon kay PO3 Leonilo Laquio ng Carmen Police Station, sinita umano ni Yap ang guwardyang si Gomez dahil sa laging natutulog kapag nasa duty. Ipinarating ng manager sa immediate supervisor ni Gomez na laging natutulog sa duty ang huli kaya humantong sa mainitang pagtatalo.

Base sa initial findings ni medico legal officer Dr. Christian Caballes ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), hinampas ng matigas na bagay ang ulo ng biktima at nagtamo rin ng malubhang saksak ang likod nito na dahilan ng aga­rang kamatayan.

Si Yap ay halos isang taon ng manager ng Giardini Del Sole Furniture Shop habang ang suspek ay mag-iisang linggo pa lamang naka-duty mula sa Cherubim Security Agency.

ACIRC ANG CARMEN POLICE STATION CHERUBIM SECURITY AGENCY DR. CHRISTIAN CABALLES DUMAGUETE CITY GIARDINI DEL SOLE FURNITURE SHOP GOMEZ LEONILO LAQUIO LUWALHATI YAP MAR GOMEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with