^

Probinsiya

6 holdaper naaresto sa raid

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Naaresto ng mga pulis ang 6 kalalakihan na umano ay miyembro ng robbery group nang salakayin ang pinagkukutaan ng mga ito sa Brgy. Biga 1, Silang, Cavite.

Nakilala ang mga naarestong suspek na sina Carlon Fortiz, 31; Fierre Macuja, 25; Joey Alis, 21; Oliver Monteroso, 21; William Trienta, 22 at Mark Jason, 20, pawang residente ng Purok 1 ng nasabing barangay.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon nang magsagawa ng search warrant operation na inisyu ni Judge Agripino Morga ng San Pablo City, Laguna-RTC sa bahay ni Fortiz.

Kasama ang ilang mga barangay opisyal nang lusubin ang nasabing bahay ay naabutan ang target na suspek at mga kasama nito.

Nasamsam sa mga suspek ang isang improvised shotgun; isang  granada; 1  Cal .22 rifle; iba’t ibang klase ng mga  bala, isang plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalias.

Nakakuha rin ang pulisya ng mga hinihinalang mga nakaw na mga laptops at 5 ibat ibang klase ng mga cellphones  at tablet.

Malaki ang hinala ng pulisya na ang mga suspek ay isang grupo ng mga holdaper na siyang responsable sa mga nakawan at akyat bahay sa nasabing lugar at karatig bayan.

vuukle comment

ANG

BATAY

CARLON FORTIZ

FIERRE MACUJA

JOEY ALIS

JUDGE AGRIPINO MORGA

MARK JASON

MGA

OLIVER MONTEROSO

SAN PABLO CITY

WILLIAM TRIENTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with