Mag-asawa, 2 anak minasaker ng adik

Mag-asawa, 2 anak minasaker ng adik

MANILA, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-asawa at dalawa nilang anak makaraang pagsasaksakin ng kanilang kapitbahay na adik sa online gaming sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Isabela, Negros Occidental kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mag-asawa at anak na napatay na sina Ricardo Carpentero, 57; Consuelo Carpentero, 59; at anak na si Carlo Carpentero, 23.

Samantala, bandang alauna naman ng hapon ng mamatay sa Western Visayas Medical Center  ang isa pang anak na si Shiela May Carpentero, 25, na una nang idineklarang nasa kritikal na kondisyon.

Sa panayam, sinabi ni P/Senior Supt. Samuel Nacion, naitala ang krimen sa bahay ng pamilya Carpentero sa Purok Rose, Brgy. Cansalongon sa nabanggit na bayan dakong alas-12:30 ng madaling araw.

Mahimbing na natutulog ang mga biktima nang pasukin at pagsasaksakin ng 27-anyos na suspek na si Jemar Castro.

Nabatid na si Castro ay sinasabing lulong sa online gaming sa internet  na nakabangga ng anak ng mag-asawang si Carlo bago naganap ang krimen habang patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang suspek.

 

Show comments