3 utas sa salpukan ng motorsiklo vs trak Bisperas ng Undas…

3 utas sa salpukan ng motorsiklo vs trak Bisperas ng Undas…

MANILA, Philippines – Hindi na umabot sa Undas ang tatlo katao nang masawi makaraang sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang truck na puno ng kargang tubo  na nasiraan sa national highway ng Brgy. Tinocuan, Dingle, Iloilo nitong Biyernes ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Raymond Macesar, 36 anyos at mga backriders nitong sina Alvin Sobrevega, 31 anyos at Aldrin Palabrica, 19, pawang residente sa Dingle. Sila ay nagtamo ng matitinding sugat sa katawan partikular na sa bahagi ng kanilang ulo na siyang  agarang ikinamatay nito.

Sa ulat ng Iloilo Police, bandang alas-12:30 ng madaling araw habang lulan ng motorsiklo ang tatlong biktima na minamaneho ni Macesar galing sa Pob­lacion patungo sa Brgy. Buenavista ng nasabing bayan ng maganap ang sakuna. Kasalukuyan bu­mabagtas sa Brgy. Tinocuan ang tatlo nang sumalpok sila sa truck na nadiskaril sa highway matapos na ma-flat ang gulong.

Masyado umanong mabilis ang takbo ng motorsiklo at hindi umano nito napansin ang nakaparadang trak dahil sa madilim pa sa lugar at hindi napansin ng driver ang warning signal ng nasiraang truck.

Show comments