3 New People’s Army rebels utas sa encounter

LEGAZPI CITY, Albay - Tatlong rebeldeng New People’s Army ang napaslang matapos na makasagupa ang tropa ng Philippine Army sa liblib na bahag ng Sitio Baybay, Barangay Tinago sa bayan ng Juban, Sorsogon kahapon ng umaga. Sa impormasyong nakalap kay Col. Berjenson Aquino commanding officer ng 31st Infantry Battalion ng Phil. Army, nakasagupa ng tropa ng military ang grupo ni  NPA kumander Andres Hubilla na gumagamit ng mga alyas Ka Magno, Bunso at Ka Carlo. Nabatid na nagsagawa ng security operation ang tropa ng Army’s 31st Infantry Battalion tauhan upang tiyakin ang kaligtasan ng mga doktor at stakeholders kaugnay ng medical mission sa nasabing lugar nang makasagupa ang grupo ng rebelde. Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang tatlong bangkay ng rebelde, tatlong M-16 Armalite Rifle, dalawang laptop, pitong backpack na naglalaman ng mga personal na kagamitan at subersibong dokumento.

 

Show comments