Motorbike vs kotse: 3 utas

CAVITE, Philippines – Patay ang tatlo-katao habang dalawa naman ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang motorsiklo at kotse sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Biga 2 sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa. Kabilang sa namatay ay ang mag-utol na sina Sanny “Boy” Austria, 33, factory worker; at Jay Austria na kapwa nakatira sa Batangas City, Batangas. Namatay din ang babaeng driver ng Toyota Vios Sedan (XSJ 194) na si Abigail “Abby” Castrence ng Dasmariñas City, Cavite. Malubha naman ang kasamahan ni Abby na sina Mary Grace Castrence at Princess Arica Preclarto ng Brgy. Hugo Perez, Trece Martirez City, Cavite. Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, naganap ang sakuna bandang alas-6 ng umaga kung saan hindi masyadong aninag ang mga sasakyan sa magkabilang linya dahil sa makapal na hamog sa kahabaan ng highway.

 

Show comments