^

Probinsiya

2 sundalo patay sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang sundalo ang nasawi noon din makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa naganap na ambush sa highway ng Brgy. Calantas, Calaca, Batangas kamakalawa ng  gabi.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Pfc. Jay Lozano, 29, ng Marcos, Ilocos Norte at Pfc. Ferri Jan Gabica, 26, ng Kapa­tagan, Lanao del Norte na kapwa miyembro ng Philippine Army na nakalataga sa DMCI, Brgy. Dacanlao, Calaca, Batangas.

Ayon kay AFP-Southern Luzon Command Spokesman Major Angelo Guzman, dakong alas-6:30 ng gabi ay lulan ang dalawang sundalo ng Yamaha sniper motorcycle (5433TD) at bumabagtas sa nasabing lugar nang tambangan ng mga armadong kalalakihan na nakaposisyon sa tabi ng highway at  nagtago sa damuhan.

Kapwa tumilapon sa motorsiklo ang dalawang sundalo na kapwa agad binawian ng buhay sa insidente.

Kinondena naman ni AFP Southern Luzon Command Chief Lt. Gen. Ricardo Visaya  ang insidente dahilan sa wala sa combat operation ang dalawang sundalo.

vuukle comment

BATANGAS

BRGY

CALACA

FERRI JAN GABICA

ILOCOS NORTE

JAY LOZANO

NEW PEOPLE

PHILIPPINE ARMY

RICARDO VISAYA

SOUTHERN LUZON COMMAND CHIEF LT

SOUTHERN LUZON COMMAND SPOKESMAN MAJOR ANGELO GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with