_ngayon
^

Financier ng minahan, itinumba

Ed Casulla at Francis Elevado (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2015 - 10:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  – Napatay ang 56-anyos na financier ng small scale mining matapos itong tambangan ng motorcycle-riding gunmen sa Barangay Tawig, bayan ng Paracale, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa tagiliran ng katawan ang biktimang si Zaldy Ofalza ng P-Masagana, Barangay Palanas sa nasabing bayan at dating barangay chairman. Sa police report na isinumite sa Camp Simeon Ola, pauwi na ang biktimang nagmomotorsiko mula sa bahay ng kanyang tauhang si Joel nang ratratin ng tandem assassins pagsapit sa nasabing lugar. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol at cal. 9mm pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

ALBAY BARANGAY PALANAS BARANGAY TAWIG CAMARINES NORTE CAMP SIMEON OLA NAPATAY NAPURUHAN NAREKOBER PARACALE ZALDY OFALZA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with