Paslit nalunod sa ilog

MANILA, Philippines - Patay ang isang 10-anyos na batang lalaki makaraang malunod sa ilog sa Brgy. Pasonanca, Zamboanga City kamakalawa ng umaga. Ang biktima ay si Mark Lorenz Quijano, isang ulila at naninirahan sa Saint Francis Orphanage sa Sitio Lantawan, Pasonanca, Zamboanga City.  Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga  nang lumutang ang katawan ng biktima sa Paso deep, sa ilog ng Brgy. Pasonanca ng lungsod ilang oras matapos malunod. Tinangay umano ng malakas na agos sa ilog ang bata bunga ng masamang lagay ng panahon sa lungsod sanhi ng mga malalakas na pag-ulan. Tinangkang sagipin ng ilang residente ang bata pero nabigo sila matapos na tuluyang lamunin ng malakas na agos ng tubig-baha sa ilog. Hindi napansin ng kaniyang mga kasamahang bata  at ng mga nangangasiwa sa ampunan na lumabas ang biktima  para maligo sa ilog na humantong sa trahedya.

 

Show comments