^

Probinsiya

Parak dakma sa P.2-M shabu

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Arestado ang bagitong pulis at kasabwat nito sa pagpapakalat ng bawal na droga matapos ang buy-bust operation ng pulisya kahapon ng umaga sa Barangay Poblacion sa bayan ng Real, Quezon. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, Quezon PNP director, kinilala ang mga suspek na sina PO1 Marvin Mara­sigan, nakatalaga sa Sariaya PNP; at Kevin John Quintos. Ayon sa ulat, si PO1 Marasigan at kasabwat nito ay nasakote sa loob ng Honda Civic na may plakang VAL 249 kung saan isinagawa ang buy-bust operation ng pulisya. Nasamsam sa mga suspek ang 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P.2 milyon, isang cellphone, service firearm ni PO1 Mara­sigan at mga drug paraphernalia. Si PO1 Marasigan ay sinasa­bing nag-AWOL noong Sept. 29 matapos itong mag-file ng vacation leave noong Sept. 21 hanggang 25, 2015.

ACIRC

ARESTADO

AYON

BARANGAY POBLACION

HONDA CIVIC

KEVIN JOHN QUINTOS

MARASIGAN

MARVIN MARA

QUEZON

RONALDO GENARO YLAGAN

SENIOR SUPT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with