May-ari ng palaisdaan, itinumba

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang isang negosyanteng lalaki matapos itong barilin ng riding-in-tandem gunmen sa kahabaan ng highway sa Barangay Alabiao, bayan ng Tuao, Cagayan kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Ponciano Taliping, hepe ng Tuao PNP, tulimapon pa ang mga kargang tilapia sa banyera at lima pang tauhan nito mula sa jeepney nang isadsad sa gilid ng kalsada ng biktimang si Narciso Gutierrez ang minamanehong sasakyan matapos mapuruhan sa ulo. Ayon sa ulat, patungong palengke ang biktima kasama ang kanyang limang pahinante mula sa pag-aaring pa­laisdaan sa bayan ng Solana nang tambangan ng tandem dakong alas-7:30 ng umaga. Namukhaan ng mga saksi ang gunman kung saan inilatag na ang operasyon ng pulisya.?

Show comments