8 tiklo sa drug bust

BULACAN, Philippines – Walo-katao ang kalaboso makaraang ilatag ang panibagong drug bust operation sa Barangay Bayugo, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng hapon. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Hernando “Mahal” Ruiz, 52; Jeffrey Fariñas, 23; Juvilyn Ocampo, 36; Ramil Mendoza, 48; Julito Gatchalian, 23, ng Brgy. Longos; Emerson Tulabot Jr., 30, ng Brgy.Pandayan; Ma.Nathalia Acebedo, 26, ng Brgy. Lawa; at si Lovely Ruiz, 45, ng Brgy. Araneta sa Caloocan City. Base sa ulat na isinumite kay P/Supt. Lailene Amparo, unang inaresto si Ruiz sa bisinidad ng Ponciano Street matapos salakayin ang kanyang bahay. Samantala, naaresto naman ang pito sa pot session sa tatlong bahay na pinagagamit ni Ruiz sa mga bumibili ng shabu. Nasamsam sa mga suspek ang anim na pakete ng shabu, digital weighing scale at iba’t ibang drug paraphernalias.

 

Show comments