9 drug courier, arestado

NORTH COTABATO, Philippines – Kalaboso ang siyam-katao makaraang salakayin ng mga operatiba ng pulisya ang sampung kabahayan na sinasabing drug den sa Kidapawan City, North Cotabato kahapon ng madaling araw. Kabilang sa mga suspek na kinasuhan ay sina Abie “Bulaw” Sultan, Randy Lagum Villagonzalo, Rodel Pacate Malasan, Nurhidin Omar Dumacon, isang alyas Jocelyn, at apat pang iba. Ayon kay P/Senior Supt. Alex Tagum, provincial director ng North Cotabato PNP, isinagawa ang operasyon laban sa mga suspek base sa search warrant na inisyu ni Judge Arvin Balagot ng Regional Trial Court Branch 23. Magkakasabay-sabay na sinalakay ng pulisya ang sampung kabahayan sa Barangay Poblacion bandang alas-3 ng madaling araw. Nasamsam sa mga suspek ang dalawang Granada, 30 plastic sachets ng shabu at ibat’ ibang uri ng drug paraphernalia.

Show comments