Ex-Army itinumba habang nakikipag-inuman

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Isang 56-anyos na retiradong sundalo ng Army ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ha­bang umiihi kamakalawa sa Barangay Magsaysay, Naguilian, Isabela.

Kinilala ni Sr. Insp. Samuel Lopez, hepe ng PNP Naguilian ang biktima na si dating Sarhento Estaquio Tersero, opisyal ng asosasyon ng mga tricycle at driver operators ng Naguilian.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi ay kasalukuyang umiihi ang biktima na hindi kalayuan sa kanyang mga kasamang nag-iinuman sa pilahan ng tricycle nang barilin ito sa dibdib ng hindi nakilalang suspek na agad tumakas.

Nakatakbo pa ang biktima sa umpukan ng kanyang mga kasamahan kaya’t nadala ito sa ospital, subalit namatay naman ito sa daan.

Show comments