Misis sinaksak, mister nag-suicide

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napisak ang katawan ng 51-anyos na senglot na magsasaka matapos nitong tumalon sa gulong ng van na magsusugod sa ospital sa kanyang misis na kanyang sinaksak sa Barangay Gomez, bayan ng Cabarroguis, Quirino kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Godofredo Wasin, hepe ng Cabarroguis PNP, sinaksak ng senglot na magsasaka na si Efrecenio Marfil ang kanyang misis na si Leticia Marfil dahil sa matinding selos. Nabatid na may kumalat na tsisimis  na si Leticia ay may kinalolokohang lalaki kaya nagawang saksakin sa tiyan ng kanyang mister. Sinasabing nakonsensiya ang suspek nang makita ang pagluwa ng bituka ng kanyang asawa habang isinasakay sa van para isugod sa Qurino Medical Center. Gayon pa man, tumalon ito sa daraanan ng van na minamaneho ni Marcial Taguinod.?

Show comments