2 preso pumuga sa Zambo

MANILA, Philippines – Dalawang presong nahaharap sa kasong pagtutulak ng ilegal na droga ang tumakas ngayong Lunes sa Zamboanga city jail.

Nakilala ang mga pugante na sina Argie Garingan-Gadjali at Luie Palas na may kaso ring illegal possession of firearms.

Bandang ala-1 ng madaling araw tumakas sina Garingan-Gadjali at Palas matapos lagariin ang bakal na rehas sa may bintana.

Ayon sa mga awtoridad, dalawang oras matapos makatakas ng mga pugante ay saka lamang ito napansin ng naka-duty na pulis.

Nasakote ang mga pugante nitong Hulyo 7 sa isang drug raid malapit sa fish port.

 

Show comments