^

Probinsiya

Sharia judge, itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 63-anyos na hukom sa Sharia Circuit Court  matapos pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa kapitolyo ng Jolo, Sulu noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Ibnohajar Puntukan ng Barangay Alat at presiding Judge ng 1st Sharia Court sa Jolo.

Si Judge Puntukan ay nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan kung saan namatay dakong alas-10 ng gabi ilang oras matapos isugod sa Sulu Provincial Hospital.

Sa ulat ng joint task force, sinabi ni Captain Rowena Muyuela, spokesperson ng AFP-Western Mindanao Command, naitala ang karahasan sa bisinidad ng Magno Street, Brgy. San Raymundo dakong alas-2:45 ng hapon.

Mabilis na tumakas ang gunman kung saan sinamantala ang pagkakagulo ng mga tao sa kapitolyo na nakasaksi sa pa­mamaril.

Nabatid na bago ang insidente ay ilang kalalakihan ang namataang umaaligid sa mga lugar na madalas puntahan ng biktima habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

BARANGAY ALAT

CAPTAIN ROWENA MUYUELA

IBNOHAJAR PUNTUKAN

JOLO

MAGNO STREET

SAN RAYMUNDO

SHARIA CIRCUIT COURT

SHARIA COURT

SI JUDGE PUNTUKAN

SULU PROVINCIAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with