Agaw-armas utas sa shootout

BULACAN, Philippines – Isa sa tatlong miyembro ng Agaw-Armas Gang ang napatay matapos makipagbarilan sa mga awtoridad sa Barangay Paradise 3, San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Ramillo Uclaray, 32, ng Buguey, Cagayan habang nakatakas naman ang dalawa nitong kasamahan.

Nabatid na bago maganap ang shootout ay tina­ngay ng tatlo ang mga armas nina Pfc Junky Hidalgo at Pfc Jonald Lintac na kapwa miyembro ng 48th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Sa police report na isinumite kay P/Supt. Charlie Cabradilla, kaagad namang nagreklamo sina Hidalgo at Lintac sa pulisya na ikinasa ang operasyon laban sa nasabing grupo.

Namataan naman ng mga awtoridad ang Mitsubishi Delican van  (RAC 680) ng mga suspek hanggang sa mauwi sa bakbakan kung saan napatay si Uclaray.

Narekober sa encounter site ang ang isang cal .45 pistol na pag-aari ni Hidalgo at isang Uzi machine pistol na pag-aari naman ni Uclaray.

Show comments