Trader nilikida ng tandem

BULACAN, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 26-anyos na negosyante matapos itong ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa Barangay Sta. Ines, bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng umaga. Apat na tama ng bala ng baril at hindi na umabot ng buhay sa Emmanuel Vera General Hospital ang biktimang si Vee-Jay Navarro ng nasabing barangay. Ayon kay PO2 Dennis Hernandez, nagkunwaring bumibili ng mga piyesa ng motorsiklo ang dalawang di-kilalang lalaki sa tindahan ng biktima saka isinagawa ang pamamaslang bandang alas-10:30 ng umaga. Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang nagpapatuloy ang pagsisiyasat.

Show comments