NPA lider sa Davao Oriental attack timbog

MANILA, Philippines —  Nasakote ng militar ang pinuno ng New People's Army (NPA) na nasa likod ng pag-atake ng isang police station sa Mati City, Davao Oriental.

Nakilala ang NPA lider na si Prince Wendel Olofernes na hawak ang NPA Southern Mindanao Regional Committee Sentro de Grabidad Front-18.

Nakasuot ng uniporme ng militar si Olofernes nang masakote sa Barangay Taguibo bandang 6:30 kahapon.

Si Olofernes ang namuno sa pag-atake ng NPA sa police station na ikinasawi ng apat na sundalo.

 

Show comments