P.2-M ari-arian nilimas ng Basag-Kotse Gang

BATANGAS, Philippines  – Tinatayang aabot sa P.2-milyong halaga ng ari-arian mula sa tatlong sports utility vehicle (SUV) at isang van ang nilimas ng notorious na Basag-Kotse Gang sa Lipa City, Batangas kahapon ng umaga. 

Sa police report na isi­numite kay P/Supt. Jacinto Malinao, hepe ng Lipa City PNP, lumahok sa PhilHealth Fun Run ang mga biktima na ginanap na malaking mall nang salakayin ng nasabing grupo ang apat na sasakyang nakaparada sa parking area.

Kabilang sa mga sasak­yang sinalakay ay ang Mitsubishi Montero (VDS-249) na pag-aari ni Maidelyn Torre; Mitsubishi Adventure (VBP-471) ni Rommel Conti; Mitsubishi L-300 (VES-710) ni Roghpaz Valencia; at ang Toyota Revo (VAX-176) ni Wilson Ong.

Pito-katao pa na mga kasamahan ng mga biktima ang nanakawan din ng mga gamit na pawang iniwan sa loob ng sasakyan bago lumahok sa nasabing palaro.

Kasama sa mga tinangay ay mga cellphones, sunglasses, relo, ATM cards, credit cards, bags, pitaka, cash, at iba pang importanteng dokumento.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang Lipa City PNP laban sa mga miyembro ng Basag-Kotse Gang.

 

Show comments