Kinalasan ng nobya, nagbigti

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang desperado ang 36-anyos na lalaki dahil kinalasan ng kanyang nobya kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Zapote 3, Bacoor City, Cavite kahapon ng madaling araw. Bandang alauna ng madaling araw nang matagpuan ang nakabiting katawan ng biktimang si Jhonel Lagana. Sa ulat ni PO3 Robertson Vallejo, huling namataang buhay ang biktima na nakikipagtalo sa kanyang nobya kung saan minabuti ng babae na umalis ng bahay. Gayon pa man sa pag-aakalang kumalas ang nobya sa relasyon  ay nagbigti ang biktima kung saan wala namang iniwang suicide note ang lalaki.

Show comments