‘Masamang tumitig’ tigok sa 14-anyos

QUEZON, Philippines – Dahil lamang sa pag-aakalang masamang tingin, napatay ang 19-anyos na binata matapos na saksakin ng 14-anyos na tambay sa Barangay Poblacion, bayan ng Tagkawayan, Quezon kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa kaliwang dibdib na tumagos sa puso kaya hindi na umabot ng buhay sa Ma. Lourdes District Hospital ang biktimang si Jay-Ar Bernancio ng Barangay Sta. Cecilia habang naaresto naman ang suspek na itinago sa pangalang Junior. Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9:20 ng gabi, nasa harapan ng Coyo Resto Bar ang biktima at ang nakababata nitong kapatid nang dumaan ang grupo ng suspek. Napatingin si Bernancio sa suspek. Inakala naman ng suspek na kinukursunada sila kaya inundayan ng saksak sa dibdib ang biktima. Hindi na nagawang tumakas ng suspek nang masukol ng mga nagrorondang barangay tanod.

Show comments