Magtiyuhin nilikida sa manukan

File photo

BULACAN, Philippines – Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang magtiyuhin matapos na pagbabarilin ng dalawang lalaki na bumibi­­li ng panabong na manok sa Barangay Silangan, bayan ng Santa Maria, Bulacan kahapon.

Nagtamo ng apat na tama ng bala sa katawan si Salvador Endaya, 64, habang dalawa naman sa pamangkin nitong si Roberto Fombuena, 50, ng Barangay FVR sa ba­yan ng Norzagaray, Bulacan.

Pansamantalang hindi ibinunyag ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek na nakilala sa rouge gallery upang hindi mabulabog ang follow-up operation.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jonathan Mañacap, magkasama ang magtiyuhin sa lupaing may mga sasabu­nging manok nang dumating ang dalawang lalaki na bibili ng panabong na manok.

Ilang minuto ang nakalipas matapos ang pakikipagnegosasyon ay pinagbabaril na ng dalawa ang magti­yuhin.

Narekober sa crime scene mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy ang pagsisiyasat.

Show comments