^

Probinsiya

Pulis itinumba ng drug pusher

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Pinabulagta ang 39-anyos na pulis matapos itong pagbabarilin ng isa sa sinasabing notoryus na drug pusher sa Barangay Lumbangan sa bayan ng Nasugbu, Batangas noong Sabado ng gabi.

Kinilala ni P/Chief Insp. Pablo Aguda, hepe ng Nasugbu PNP ang biktimang si PO2 Arnel Baral ng Ureta Subdivision sa Barangay Bungahan, bayan ng Lian, Batangas at naka-assign sa Tuy PNP.

Ayon sa police report, nagtungo si PO2 Baral kasama ang pinsang si Hermoso Cayabyab para tagpuin ang sinasabing drug pusher na kinilala lamang na Andoy sa may Sitio Roxas sa nasabing barangay.

Nabatid na kinukumbinsi ni PO2 Baral si Andoy na ituro ang source ng droga sa kanilang barangay.

“Pumayag namang samahan si PO2 Baral para ituro ‘yung bahay ng bigtime drug pusher pero pagdating sa makipot na iskinita, biglang pinagbabaril ni Andoy ang biktima bago ito mabilis na tumakas,” pahayag ng imbestigador batay sa salaysay ni Ca­yabyab

Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng cal. 45 pistol at dalawang slugs habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Andoy na naglakad na tumakas na animo’y walang naganap na pamamaril.

vuukle comment

ANDOY

ARNEL BARAL

BARAL

BARANGAY BUNGAHAN

BARANGAY LUMBANGAN

BATANGAS

CHIEF INSP

HERMOSO CAYABYAB

NASUGBU

PABLO AGUDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with