Mga proyekto sa 2015, inihayag ni Gov. Ebdane
IBA, Zambales, Philippines — Sa State of the Province Address (SOPA) ni Zambales Gov. Hermogenes Ebdane Jr. noong Biyernes, inihayag nito ang mga proyektong itinakda ngayong 2015.
Kabilang sa mga proyekto ay ang pagtatayo ng senior citizens ward sa provincial hospital, convention center upang tulungang itaguyod ang programa sa turismo at ang Legislative Building para sa Sangguniang Panlalawigan.
Bibigyan din ng scholarship at leadership training ang mga kabataang may abilidad ngunit walang kakayanang ipagpatuloy ang pag-aaral.
Ipinahayag din ni Governor Ebdane ang karagdagang manggagawa at kagamitan sa mga ospital, pagtatayo ng mga gusali para sa senior citizens sa bawat bayan sa Zambales, pagbibigay ng kagamitan sa pangingisda at pagsasaka, pagtatayo ng mga gusaling pampaaralan satatlong bayan, at ang pagsasaayos ng Zambales Sports Complex.
“Binigyang-diin ng aking administrasyon sa mga nakaraang taon ang mga proyekto na magpapalaya sa atin mula sa tanikala ng kahirapan at magbibigay sa ating mga kababayan ng oportunidad para tumindig sa sariling paa,” dagdag pa ni Ebdane.
“Ang tunay na paglilingkod ay dapat nating isabuhay. Ito ay nangangailangan ng pakikilahok, pakikipanayam, at pakikipagkapwa-tao sa lahat,” pahayag pa ni Ebdane.
- Latest