Mister iniwan ni misis, nag-suicide

NORTH COTABATO, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 33-anyos na mister na iniwan ng kanyang misis matapos itong magsaksak sa leeg sa Barangay Kilada, bayan ng Matalam, North Cotabato kamakalawa ng hapon. Sa inisyal ni SPO1 Froilan Gravidez, nagsaksak sa leeg ang biktimang si Brendex Mariano ng Don Marcelino, bayan ng Mati, Davao Oriental at trabahador sa rice mill. Pinaniniwalaang na-depress ang biktima dahil sa pangu­ngulila matapos kalasan ng kanyang misis kaya nag-suicde sa barracks ng rice mill.

 

Show comments