Motorbike rider pisak sa bus

CAMARINES NORTE, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa 25-anyos na mister na nagmomotorsiklo matapos itong salpukin ng pampasaherong bus sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Purok 4, Barangay Malatap sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Hindi na umabot ng buhay sa Labo District Hospital ang biktimang si Jeffrey Ibale, 25, construction worker at nakatira sa Barangay Macogon sa bayan ng Labo, Camarines Norte. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Geoffrey Fernandez, nag-overtake sa sinusundang traysikel ang Superlines Bus (UWN-607) na minamaneho ni Juanito Bardon nang makasalubong ang motorsiklo ng biktima. Sa takot na magulpi ng taumbayan ay mabilis na tumakas ang drayber kung saan sumakay ng pampasaherong jeepney.

Show comments