3 patay sa Batangas ambush

BATANGAS, Philippines– Tatlo-katao ang napatay habang isa pa ang sugatan makaraang tambangan ng mga armadong lalaki  sa pagitan ng Calamba City, Laguna at Tanauan City, Batangas kahapon ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Christopher Olazo, hepe ng Tanauan City PNP ang mga biktima na sina Juan Visaya, Sofia Visaya at Pedro Oruga, mga residente ng Barangay Pantay Bata, Tanauan City.

Sugatan naman si Valeria Visaya na kasalukuyang ginagamot sa CP Reyes Hospital dahil sa tinamong mga tama ng bala ng baril.

Ayon sa police report, galing sa lamayan ang mga biktima sa Calamba City, Laguna at papauwi na sa Tanauan City sakay ng owner-type jeep (DWL-597) nang tambangan sa kahabaan ng highway sa pagitan ng Barangay Kay-Anlog, Calamba City at Barangay Laurel sa Tanauan City bandang ala-1:15 ng hapon.

Awayan umano sa lupa ang posibleng dahilan ng pananambang.

Show comments