Suspek sa rape-slay, itinumba

CEBU, Philippines – Itinumba ang 45-anyos na trike driver na sinasabing isa sa limang suspek na humalay at pumatay sa 24-anyos na dalaga makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Bagacay, bayan ng Pototan, Iloilo noong Linggo ng umaga. Dalawang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Gaspar Asuero ng Barangay Cauayan. Sa ulat ng pulisya, huling namataang buhay ang biktima  na namamasada ng traysikel na may lulang di-kilalang lalaki na sinasabing nagpahatid sa nasabing barangay. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Ariel Corcino, hepe ng Pototan PNP, nang bumaba ang pasaherong babae mula sa traysikel ay nilapitan at niratrat ng tandem ang biktima. Nabatid din na sumakay sa motorsiklo ng gunmen ang pasaherong babae ng biktima saka tumakas. Sa tala ng pulisya, si Asuero ay isa  sa mga suspek na humalay at pumatay sa biktimang si Mae Ann Gumban kung saan ang bangkay nito ay natagpuan noong Sept, 19, 2013.

Show comments