Merchandiser patay sa tandem

NORTH COTABATO , Philippines   - Pinabulagta ang 50-anyos na furniture merchandiser makaraang pagbabarilin ng motorbike assassins sa bahagi ng Purok Pag-asa, Barangay Saguing sa bayan ng Makilala, North Cotabato kamakalawa ng tanghali. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Virdon Guerrero, ng Quezon blvd, Kidapawan City. Sa inisyal na ulat ng pulisya, nagmomotorsiklo ang biktima nang harangin at ratratin ng tandem. Wala namang malinaw na motibo ang pagkakapaslang sa biktima habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments