Inhinyero nag-suicide sa palikuran

BATANGAS , Philippines  -  Patay na nang matagpuan ang 36-anyos na engineer matapos itong magbaril sa ulo sa loob ng palikuran ng kaniyang bahay sa bayan ng Bauan, Batangas  noong Linggo ng tanghali. Kinilala ang biktimang si Clemente Abregunda, civil engineer at residente ng  Castillo Street sa Barangay San Roque sa nasabing bayan. Ayon sa report, nakatanggap ng tawag ang Bauan PNP mula sa Bauan Doctors Hospital para ipaalam na may pasyente silang nagtamo ng tama ng bala sa ulo bandang ala-1:40 ng hapon. Sa imbestigasyon, natagpuan si Abregunda ng kanyang asawang si Elma sa loob ng kanilang palikuran bandang alauna ng hapon. Narekober ng mga pulis ang cal. 38 revolver sa tabi ng bangkay ng biktima na pinaniniwalaang ginamit nito sa pagpapakamatay.

 

Show comments