Ama kritikal sa saksak ng anak

MANILA, Philippines - Nakikipagbuno kay kamatayan ang 59-anyos na ama matapos na pagsasaksakin ng sariling anak sa gitna ng mainitang pagtatalo kamakalawa ng hapon sa Purok  3, Barangay Baluno, bayan ng Dimataling, Zamboanga del Sur. Naisugod sa Margosatubog Regional Hospital  ang biktimang si Dominador Oma ng Purok 4, Barangay Baha sa nabanggit na bayan. Sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Roel Oma, 29, na nahaharap sa kasong kriminal. Ayon sa imbestigasyon, magkasamang nag-iinuman ang mag-ama nang magkainitang pagtatalo hanggang sa nauwi sa pananaksak ng anak sa kaniyang tatay.

Show comments