Sekyu, tanod itinumba

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines   â€“ Napaslang ang 36-anyos na security guard matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan habang nakikipag-inuman sa mga kaibigan sa kanyang bahay sa Barangay Malibas, bayan ng Palanas, Masbate kahapon ng umaga. Sa ulat ng pulisya, nakikipagtagayan ang biktimang si Virgilio Mancio sa kanyang mga kaibigan nang lapitan at ratratin. Samantala, napaslang din ang barangay tanod na si Ramon Cayusa, 48, matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki habang ito ay nakatayo sa harapan ng kanyang bahay sa Barangay Amotag, bayan ng Aroroy, Masbate kamakalawa ng gabi.

 

Show comments