Mayor niratrat sa nasagasaang aso

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Nasa malubhang kalagayan ang 49-anyos na  alkalde ng Kalinga province matapos itong pagbabarilin ng may-ari ng aso na nasagasaan ng kanyang driver sa kahabaan ng national road sa Sitio Pinagan, Barangay Lacog sa Tabuk City noong Sabado ng gabi. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Victor Wanchakan, Kalinga PNP director, kinilala ang su­gatang biktima na si Mayor James Edduba ng bayan ng Pasil na nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa alyas “Kiti-kiti” Suyam na sinasabing katutubo mula sa karibal na bayan ng Ti­ngalayan. Ayon sa ulat, nasaga­saan ng driver ng alkalde na si Eddie Bawalan ang itim na aso ng suspek na bigla na lamang tumawid sa kalsada. Nabatid na hinintuan ng sasakyan ng alkalde ang nasagasaang aso at bumaba ito para usisain subalit lumapit at pinagbabaril ng suspek ang biktima. Naisugod ang sugatan alkalde sa St. Puls Hospital sa Tuguegarao City kung saan ito nakikipagbuno kay kamatayan.

 

Show comments