PDEA agent itinumba sa Sorsogon

MANILA, Philippines – Tinambangan ng armadong kalalakihan ang isang tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa lungsod ng Sorsogon.

Nakilala ang biktimang si Intelligence Officer 1 Arnel Estrellado, miyembro ng Enforcement Officers’ Basic Course Class 2010-04, "Sandiglahi."

Sa harap ng isang canteen itinumba si Estrellado noong Marso 22 bandang 2:30 ng hapon sa Brgy. Tugos, Sorsogon City.

Nagtamo ng limang tama ng bala sa katawan ang tauhan ng PDEA na ikinamatay nito.

Samantala, namukhaan ng anak ng biktima ang mga suspek at itinuro ito base sa mga mugshot sa Albay Police Provincial Office.

Nasakote ang mga suspek sa Oas, Albay ngunit hindi muna pinangalanan habang gumugulong ang imbestigasyon.

Show comments